Monday, 11 February 2013

Rehiyon 9


Partido State University
Goa, Camarines Sur
A/Y: 2012-2013

How to Prepare Handouts?



"Yaman ng ating lugar 
nararapat lamang na ipagmalaki 
sapagkat hatid nito'y kaginhawaan"
-Christine Angela  R. Asis
1. Rehiyon IX:Tangway ng Zamboanga
   Lungsod ng Dipolog, Zamboanga Del Norte
    Lungsod ng Pagadian, Zamboanga Del Sur
    Ipil, Zamboanga Sibugay
    Sentrong panrehiyon: Lungsod ng Pagadian
2.  Pag-aaral sa mapa ng Rehiyon IX




Mayaman din ang Rehiyon IX sa alimango at malalaking hipon at lobster. Dahil mayaman ang Zamboanga Peninsula o Rehiyon IX sa mga yaman dagat, ang mga produkto ng rehiyon ay mga sardines, isdang tuna, mackerel at anchovies.

Ang pangunahing produkto ng Rehiyon IX ay niyog at buko. Ilan pa sa mga produkto mula dito ay mais, palay, kape, kakaw, kamote, sari-saring prutas tulad ng lansones, saging, langka, durian, mangosteen, marang at sitrus. Kabilang din sa mga produkto nila ang mga pagkaing-dagat tulad ng tuna, sardinas, dilis, mackerel. Ang chromite din ang pangunahing produktong mineral nila. 


4.   Panitikan ng Rehiyon IX
AWITING BAYAN INAKU DURINGDING (Awiting Bayan mula sa Zamboanga) Inaku duringding Umaga na yata Nagtitilaukan na Ang manok sa lupa. Kayat ang sabi ko Sa matanda’t bata Matulog n ngayon Bukas ay gawa.
 DORI-DORI SINGKIL Dori-Dori Singkil Mang Manuel Dagil Mang Iskong Kolikoy At mang Juan Bambo.
MGA MANUNULAT NG REHIYON IX Tulad ng ibangmga rehiyon, mayroon ding mga kilalang manunulat ang Rehiyon IX. Ilan sa kanilang ang mga sumusunod. Descallar, Antonio Isinilang si Antonio Descallar sa Sindangan Zambaoanga noong Hunyo 15,  Nag-aral sa isang pampublikong paaralan at nagtapos ng kanyang pag-aaral sa Misamis Occidental Institute at sa College of Law sa AU. Nagwagi siya ng unang gamtimpala sa timpalak ng pagsulat ng tula na ginaganap noong 1949. Kauna-unahang niyang tula na napalimbag sa isang pambansang magasin ay ang “Now Before the Conqueror”.
Enrique, Antonio Siya ay sumulat ng mga maikling kuwento tungkol sa mga Kristiyano at mga Muslim sa Timog na nakatagpo at nakasalamuha niya sa buhay, tungkol sa probinsiya, bayan at mga baryong kanyang tinitirhan at binibisita at tungkol sa mga obserbasyon at mga karanasan. Ang kanyang matingkad na pananaw sa mga tao at lugar sa simpleng salita, ang kanyang istilo na madaling maintindhan ng mga katangian kinagigiliwan ng kanyang mambabasa.
Lumabas sa mga pambansang limbagan ang kanyang tatlumpung maikling kuwento at ang isang akda na isinalin niya sa ibang wika ay lumabas sa Korean Magazine Playmate. Tumangap siya ng dalawang gamtimpala sa Palanca sa kanyang maikling kuwento sa Ingles, ikatlo noong 1969, una noong 1973. Pinalimbag ng Writers Association of Dumaguete City ang kanyang unang aklat ang “Spot On Their Wings”.
 Enrique, Ignacio Alvarez Ipinanagnak sa Zamboanga City kung saan din niya tinapos ang kanyang pre-college education. Pumunta sa AU, kung saan niya natapos ang AB degree(1951)at5 matapos iyon ay nag-aral siya sa University of IOWA. Bilang iskolar narating niya ang University of Madrid. Pinagkalooban siya ng salapi ng pamilya Zobel de Ayala. Mula noong sinimulan niyang sulatin ang kanyang nobelang “The House Juan” na hindi naipalimbag.
 Noong 1956, sinimulan niyang sulatin ang kanyang kauna-unahang nobela, “ The Devil Flower”. Sa Yaddo Foundation, Saragota, Srings, New York ay ipinagpatuloy niya ang pagsusulat sa nobela sa isang Writers’ Workshop sa State University of IOWA. At natapos niya iyon sa isang six- month fellowship sa Huntington Hartfort Foundation. Dalawa sa kanyang maiikling kuwento ay nagwagwag sa Philippine Free Press Short Story Contest. “Death of a House”, ikalawang gantimpala, 1951 at “ The Doll”, ikatlong gantimpala. Noong Pebrero 20,1971 ay ipinalabas sa UE sa Auditurium ang dulang “ As Between Two Mirrors” na kanyang isinulat at hinango sa kanyang nobela. Ang ibang pang aklat niya na naipalimbag ay ang “Three Philippine Epic, Plays at House of Images” (1953), at ang The White House of Alia at Other Stories” (1985).
Acas, Olivia Baguhan pa lamangsiya sa larangan ng pagsusulat ng tula ngunit ang kanyang mga naisulat ay naipalimbag na sa palimbagan.
Jubair, Ibrahim A. Siya ang kauna-unahang fictionist sa Zamboanga na ginamtimplaan ng Presidential Certificate of Merit in Literature for Teaching the Filipino- Muslim sa kanyang panahon. Bukod sa pagiging manunulat ng tula at mamahayag, si Jbair ay isag kolumnista sa isang pahayag sa Zamboanga City at editor ng Cresent Review. Ang aklat I Jubaira ay ipinalimbag hindi lang ng Free Press Pacific Quarterly (South Korea) at ng The Times of Ceylon.
 Villa, Gonzalo Isang manunulat ng maikling kuwento at mananalaysay, ipinanganak sa Zamboanga City ng isang pamilyang may kaya sa buhay. Naging interesado sa pagsulat ng mga tula at maikling kuwento nang siya’y nasa high school pa lang. Naging news editor siya ng Atenean, isang pampaaralang pahayagan na siyang pinaglathaan ng ilang mga akda niya. Una niyang kuwento ang “ When Death Struck”.
 Nagwagi siya sa Pambansang Paligsahan sa pagsulat ng sanaysay noong 1946, ito’y pinamagatan niyang “ The Role of America in the Rehabilitation of the Philippines”. Kabilang sa mga sinulat niyang nagwagi ng gantimpala ay ang Footnote of America at pinalitan niya ng “Death of Illusion”, “Barrio Miracle”, “A voice in Rama”. Itinigil niya ang pagsusulat upang tapusin ang kursong abogasiya 

5. Makasaysayang Pook sa Zamboanga Peninsula (Rehiyon IX)


Be careful what you set your heart upon - for it will surely be yours.




Rizal Landing Site 
July 17, 1892
Dapitan City, Zamboanga del Norte
Photo Credit: thephilippinesandbeyond.com



 Rizal Shrine 
Photo Credit: www.world66.com
Ang Rizal Shrine ay matatagpuan sa Dapitan City, Zamboanga del Norte. Dito  ginugol ni Dr Jose P. Rizal  kanyang huling apat na taon na pagpapatapon  (1892 -1896).




 Dapitan City Plaza 
Photo Credit:www.markmaranga.com
Liwasan ng Dapitan ("Dapitan City Plaza") ay matatagpuan sa Dapitan, Zamboanga del Norte na kilala bilang "City square"  isang pampublikong tradisyonal na lugar na ginagamit sa pagdiriwang. Ginawa at pinaganda ni Dr. Jose Rizal noong siya ay pinatapon sa Dapitan (1892) .Katulong niya ang isang Gobernador na Espanyol  ng Dapitan na si Gob. Ricardo Carnicero. Ang  "Plaza" ay mahahambing sa mga nakita ni Rizal sa "Europe".



Reference: 
                    
 1. by Isaac Jeoffrey   A pr 6, '08 7:19 PM Araling panlipunan   http://pilipinas333.multiply.com/journal/item/2         
2.Mondino de Luzzi 21:13, 6 Pebrero 2013 Mapang Politikal ng Tangway ng Zamboanga. https://www.google.com.ph/search?
q=rehiyon+ix&hl=fil&tbo=u&tbm=isch&source=univ&sa=X&ei=75oZUYqNDu-yiQeKvYCYDw&sqi=2&ved=0CD4QsAQ&biw=1366&bih=677#imgrc=PLrAh8Fwq06XAM%3A%3BjBEuOOaku1H-Mapang Politikal ng Tangway ng Zamboanga3M%3Bhttp%253A%252F%252Fupload.wikimedia.org%252Fwikipedia%252Fcommons%252Fthumb%252Fd%252Fde%252FPh_zamboanga_peninsula.png%252F220px-Ph_zamboanga_peninsula.png%3Bhttp%253A%252F%252Ftl.wikipedia.org%252Fwiki%252FTangway_ng_Zamboanga%3B220%3B224
3. http://mgaproduktongrehiyon.blogspot.com/2012/10/rehiyon-ix.html
4.  by 25th October 2012 Labels: Produkto Ng Rehiyonhttp://www.slideshare.net/MichelleFlorida/panitikan-ng-rehiyon
5.Secretary Br. Armin A. Luistro FSC to all DepEd Employees August 28, 2012  http://browse.feedreader.com/c/My_Homeworks/135570355 ,Makasaysayang Pook sa Zamboanga Peninsula (Rehiyon IX) 




Prepared by: Christine Angela R. Asis
Prepared to: Dr. Myrna Bigueja